Kabataang mag-aaral

Bawat tao ay may iba't-ibang pag-uugali at pamantayan, na maihahambing sa isang libro,na maaring hindi gaano kagandahan ang panlabas nitong anyo ay may mabuti at napakagandang kalooban na puno ng kaalaman na siyang nag bibigay sa atin ng aral at kasanayan.
Mga kabataang parang bulaklak kung mamukadkad, inaalagaan at dinidiligan sa bawat araw, at mga mag-aarala na pinupuno ng aral sa bawat araw para sa mabuti at magandangkinabukasan.
Sa panahon ngayon bawat isa ay may kaibigan na nagkakaisa sa pagharap ng mga problema at tagumpay, sa pangarap na nais makamit bilang isang estudyante.
Puno ng kapayapaan na nagbibigay ng oras at panahon para makapag-isip, at kumalma, pag may mga problema, at magpatuloy sa buhay pagkatapos ng hamon at pagsubok na dumadaan sa bawat taon.
Darating din ang panahon na makakamit at malalagpasan ang mga pagsubok ng buhay bilang isang mag-aaral atmamukadkad bilang isang mahalimuyak na bulaklak.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Dapat bang tanggalin ang takdang aralin?

Buhay ng teknolohiya

Kaibigan ko