Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2019

Dapat nabang mag trabaho ang mga senior high?

     Dapat bang magtrabaho na ang mga estudyanteng nasa senior high school? Usaping puno ng ibat ibang opinion at ang pagkakaroon ng trabaho habang nasa high school ay maganda dahil nagiging handa ka sa pagharap sa totong mundo.   Ayon kay (HINTZE 2018) Ay Mayroon Talagang dalawang na resulta mula sa pagtatrabaho sa highschool isanadito na ito ay nakakadagdag stress o problema, nakakawala ng atensyon sap ag-aaral at pag kagustuhang tumanda agad. Ayon rin kay (Sundquist 2018)  ay ang pagkakaroon ng trabaho habang nasa highschool ay nangabgailangan ng boung dedekasyon, dahil ang pagkakaroon ng trabaho  ay dagdag stress lamang sa inyong anak , dahil hindi oras at pagpaplano lang ang hinihingi nito kundi pati pangkaisipang lakas, para maging handa sa mundo ng mga propesyonal. Ayon naman sa (Walden University) ang pagtatrabaho ay nakakawala  Ng oras para sa sarili, ilan sa mga kabataan na mararamdaman at nakikita nilang napag-iiwanan sila o nawawala...

Dapat bang tanggalin ang plastic na supot?

     Ito ay tungkol sa pagtanggal ng plastic na supot. isang isyung usap-usap na puno ng iba't-ibang opinyon, at dapat talagang tanggalin ang paggamit ng plastic na supot para sa kalinisan at kaligtasan ng bawat may buhay.      Ayon kay (Dunning 2012) ang plastic na supot ay isa sa pinaka balakid sa mundo pero  ang totoo ay may mas mainam at masaya pa kaysa sa isang bariles ng unggoy, sa katunay may lista ang bayan na dalawapu't siyaw na nakakatuwa o libangang paggamit ng plastic. Ayon naman sa (Guesst blooger 2019) pinapahalagahan at minamahal natin ang ating kapaligiran at mundo pero dapat din nating protektahan yung mga manggagawa at halaga sa tootong kapahamakan, gumawa ng aksyon na talagang gagana. Ayon naman sa (Preferred Plastics 2015) na ayon sa Pundasyon ng rason ng bagong pag-aaral ang pagtanggal ng plastic na supot ay hindi makakatulong sa pagligtas ng kalikasan dahil sa katunayan ang pagtanggal ng pang malawakang paggamit ng plastic ay ...

Pangalawang tahanan

     Ang pag pasok sa oras na 2-7 ng hapon ay napakasasaya ay memorable sa akin bilang senior high dahil sa dahil sabat araw tinuturuan kami ng mga aral na talagang tatak sayo bilang isang anak, na maging responsable at mahalin ang mga magulang mo, sa bawat leksyon na aming tinatalakay may mga natutunan kami na talagang tumatatak sa aming mga isipan bilang anak. Sa bawat araw natutunan mo ang mga bagay na kakailanganin mo sa pagtatrabaho upang maging handa, mga kakayahang kakailanganin mo, na makatulong sayo sa hinaharap. Sa pagpasok ko marami akong natutunan, mga bagay na makakatulong saakin sa pagpili ng karera at mga pag-uugali na dapat tangiin ng isang individual. Nagpapasalamat ako at masaya dahil sa ang paaralan na syang pangalawang tahanan ko  ay binibigyan ako ng aral, suporta at tiwala, lalo na sa mommy gray namin.

Katangian

     Minsa pagpasok mo palang ng paaralan at silid aralan napakaraming kalat na nakakalat mayroon dito, doon, sa ilalim at minsan kungsaan saan pa nakasuksok, na nakakawala ng araw kasi minsan talaga pag pumasok ka sa ganong silid nawawalan ka ng gana kasi hindi sya malinis at pag estudyante ka, maiinis ka kasi kayo ang maglilinis, at dapat ma tutunan na kung gusto mo ng maayos at payapang silid na makakapag-isip ka nang maayos kailangan mo talagang maging malinis na dapat simulan mo sa sarili mo dahil paano kung ikaw mismo pala ay diito alam, dahil ang kalinisan ay nagiging basihan ng katauhan. Ang pagkakaroon ng kalinisan ay magpapaganda ng buhay at nakakatulong, dilang sa atin pati narin ang kalikasan, tayo ay anak ng diyos pantay pantay tayo sa lahat dahi kung ano ang iyong ginagawa ay batayan sa kung ano ka.

Mahalagang parte ng buhay

   May mga lugar tayo dito sa Cebu na walang tubig at isa na ang lugar namin doon, at napakahirap talaga na sa bawat araw kailangan mong pang mag banat buto para lang maka ligo at may mailaba ka hindi siya ganon kadali, lilinya kapa minsan para sa tubig ng pagkahaba-haba, nakakapatay oras o kaya minsan kailangan mo talagang gumising ng maaga para mauna ka pila, sa ganitong sitwasyon napamamahalaan mo ang oras mo ng hindi ka mahuli sa paaralan o trabaho man. Dahil ang tubig ay isa sa parti ng buhay natin na hindi mawawala,isang napaka halagang bahagi ng buhay natin na palagi nating hinahanap na dapat pinapahalagahan at hindi bina basta basta. Dahil kung walangtubig mahirap kasipartinanang pamumuhay natin ang tubig isa sa mga bagay na dapat hindi mawala dahil mahalagang bahagi ng bawat tao.

Dapat bang tanggalin ang takdang aralin?

    Ito ay tungkol sa pagtanggal ng takdang-aralin sa mga paaralan, na napapanahong usap-usapan na  punong puno ng iba't-ibang opinyon, at hindi dapat tanggalin ang pag-gawa ng takdang-aralin dahil kahit dagdagg gawain ito ay may naitutulong naman ito sa atin.    Ayon kay Maher T. (2017) ang takdang aralin ay dagdag problema lang sa mga estudyante. At ang paggawa ng takdang aralin ay maykauting tulong sa pag-aaral (Debatewise 2019), at ayon rin kay (Walker 2018) na madalas nahihirapan ang mga estudyante  sa paghahanda ng mga gawaing sabahay naka atas, dahil saa mga paaralan at unibersisad ay may mga mapakaraming takdang-aralin, kaya ang mga estudyante ay bumabagsak sa paghahanda ng gawain sa tamang oras. Nagagawa sila nitong makakuha ng malliit na marka.     Ayon sa (Debatewise 2017) ang takdang-aralin ay nakakatulong sa pagsasanay ng mga gawain at lalong matuto bago mag kolehiyo at magtrabaho. Angtakdang aralin ay ginawa para mapahusay...

CebU!!

Imahe
Ang Cebu ang syang aking bagong tahanan, maraming pasyalan kang mapupuntahan dito, na pampamilya't barkada, na siguradong mapupuno ka ng saya. May mga lugar na punong puno ng bulaklak tulad ng Sirao Garden. Ang Sirao Garden ay isang lugar na punong puno ng magaganda't makukulay na bulaklak na nakakapag pakalma at nakakawala ng problema at pweding pasyalan kahit kailan. Ang mountain view na puno ng magagandang tanawin at mga pakikipag sapalaran aktibidad, na gugustuhin mong balik-balikan dahil sa napakagandang tanawin dito, na makikita mo ang buong lawak at ganda ng Cebu, na siguradong masisiyahan ka sa lahat ng naroon. May mga pasyalan at magagandang lugar na pwideng mapuntahan dito sa Cebu, at isa na dito ang Mactan shrine ng Lapu-Lapu City Cebu, puno ng magagandang pasyalan at kainan, na lutong dagat, ang karamihang nandito, na siguradong magugustuhan ng lahat at ng boung pamilya. Maraming dulugan (resort) ang cebu na pweding pasyalan t...

Fort San Pedro

Imahe
Dito dimo mapapansin ang oras, sa sobrang daming magagandang tanawin na para kang nasa ibang lugar at siguradong masisiyahan ka sa iyong pagpunta. Pasyalang parang nasa ibang bansa, dahil sa mga na-iiba nitong mga desinyo na tipong nasa panahon ka ng labanan at ng mga kastila, na siguradong mapupuno ka ng saya at kaalaman. Pasyalang masisiyahan ka, kasama ang iyong kaibigan o pamilya sa pagpunta at gugustuhin mong balik-balikan at ulit-ulitin, dahil sa kasaysayang nakapaloob rito at mga ala-ala kasama sila. Pasyalang parang museo, puno ng kaalaman tungkol sa kasaysayan ng ating bayan at bansa noong labanan at panahon ng kastila, at mga larawang noong sinaunang panahon. Isang museo pasyalan na dadalhin ka sa panahon ng kastila at labanan, na siguradong maaliw ka sa mga naggagandahan nitong tanawin at larawan na nagbibigay sayo ng kaalaman tungkol sa kasaysayan ng lugar. Realisasyon:      Dito dadalhin ka sa panahon ng laban o kasti...

Buhay ng teknolohiya

Imahe
   Ang ating bayan ay nagsimula sa mga bagay na puno ng kakulangan, kakulangang nakakatulong sa pang araw-araw na pamumuhay, tulad halimbawa ng kuryente.    Bawat araw ay kailangang mag banat ng buto para sa pang araw-araw na pangangailangan na dapat tinutugunan para sa pagpapatuloy ng buhay.     Sa unti-unting pag-unlad at paglipas ng panahon, ay maraming nalilikha na nakakatulong sa pang araw-araw na pamumuhay, bawat taon o bawat araw ay may naiimbentong nakakatulung, pangkabuhayan at pang araw-araw na gamit, na nakakatulong sa ating bilang tao.    Na nanagagamit sa lahat ng aspekto, sa pag-aaral at pangkabuhayan, na nakakatulung at nag papa-unlad ng bayan.    At dapat ginagamit sa mabisa at nakakatulong na pamaraan, at hindi sa pansariling libangan, para sa ikakabuti ng bawat isa at ng bayan.

Kaibigan ko

Imahe
   Magkaiba at magkalayo man ay hindi batayan para hindi mag kasundo ang bawat isa, dahil ang pagkakaibigan ay pagiging isa at pag kakaroon ng intindihan sa lahat ng bagay.    Magkaiba man ang relihiyon at katayuan ay hindi hadlang para tayo ay hindi maging magkaibigan, tayi ay may pagkakaintindihan at bagay na pinagsasaluhan, tayo ay may pagkakapareha kahit tayo ay magkaiba.    May mga panahon na tayo ay may hindi pagkakaintindihan at tampuhan na hindi dapat tatagal sa isang araw, dahil hindi ko kayang maka away at mawala ka sa buhay ko kaibigan ko.    Sinasamahan at pinapakinggan mo ako sa aking mga problema at nagbibigay payo at gumagabay sa bawat desisyong ginagawa, dahil bilang magkaibigan ay nagmamahalan at nagdadamayan sa anumang pagsubok mg buhay.    Tayo ay magkasama at hindi ka bibitawan, nag kakaisa at nagdadamayan sa bawat problema magkaiba man ng kultura at kulay, tayo ay iisa at hindi maghihiwalay kasama ang p...

Kabataang mag-aaral

Imahe
Bawat tao ay may iba't-ibang pag-uugali at pamantayan, na maihahambing sa isang libro,na maaring hindi gaano kagandahan ang panlabas nitong anyo ay may mabuti at napakagandang kalooban na puno ng kaalaman na siyang nag bibigay sa atin ng aral at kasanayan. Mga kabataang parang bulaklak kung mamukadkad, inaalagaan at dinidiligan sa bawat araw, at mga mag-aarala na pinupuno ng aral sa bawat araw para sa mabuti at magandangkinabukasan. Sa panahon ngayon bawat isa ay may kaibigan na nagkakaisa sa pagharap ng mga problema at tagumpay, sa pangarap na nais makamit bilang isang estudyante. Puno ng kapayapaan na nagbibigay ng oras at panahon para makapag-isip, at kumalma, pag may mga problema, at magpatuloy sa buhay pagkatapos ng hamon at pagsubok na dumadaan sa bawat taon. Darating din ang panahon na makakamit at malalagpasan ang mga pagsubok ng buhay bilang isang mag-aaral atmamukadkad bilang isang mahalimuyak na bulaklak.